Maginhawa. Ang buhay probinsya ay simple. Maaliwalas dito kaya mas nakakahinga at nakakapagpahinga – kaya sa probinsya, mas relax ka.
Sa probinsya, dahil halos lakarin lang ang mga taniman at bilihan ng mga prutas, gulay, at karne, mas maraming options ng fresh na pagkain.
Minsan nga sinasabi pa natin na “iba talaga ang pagkain mula sa probinsya” dahil ibang-iba ang sarap ng sariwa.
Sa syudad, puro fast food at convenience store ang makakain. Halos magkakalasa na nga, kinukulang pa sa nutrisyon. Bihira na lang ang makalasap ng lutong-bahay.
Sa probinsya, maya’t-maya ma-e-enjoy mo ang sariwang hangin. Kahit sa simpleng pagtambay sa bintana, makakatulog ka agad dahil sa kalmadong paligid. Sa syudad, halos mababalutan ka na ng pawis at usok ng tambutso pagkalabas pa lang kaagad ng apartment o boarding house. Ang tanawin mula sa bintana puro mga pader lang ng kabilang building.
Hayahay ang buhay kapag hindi nakikipagsaparalan sa gulo ng syudad.
Sa maaliwalas at mapayapang probinsya, may malilipatan ka nang bahay sa Bria Homes.
Dahil sa loob mismo ng subdivision, may mga mapupuno at malalawak na espasyo. Dito, ang simoy ng hangin ay mas sariwa at mas malamig. Araw-araw, may mga naglilinis ng buong lugar para sa iyong kalagayan. Sa Bria, makakapag-enjoy ka ng lahat ng masaya sa buhay-probinsya, sa loob ng bago at sarili mong tahanan.
Presko din ang presyo ng pagtira sa Bria Homes. Para sa mga ordinaryong Pilipino na nagsusumikap para sa kanilang pangarap, dekalidad ang mga bahay na maaaring matirahan. Madami ding pagpipilian dahil mayroon ang Bria Homes na mahigit 50 locations sa buong Pilipinas. Kaya’t nasa Luzon, Visayas, o Mindanao ka man, may abot-kayang bahay ka nang makukuha. Sa lahat ng locations na ito, makakaranas ka ng buhay probinsya, na malapit pa rin sa syudad at sa mga lugar na kinakailangan.